-- Advertisements --

Naglaan si Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto ng P300,000 para sa makapagtuturo ng pagnanakaw ng mga pasilidad sa kanilang pumping station.

Ginawa umano ang pagnanakaw sa isa sa apat na pasilidad na may malaking role sa pagpapahupa sana ng baha.

Nangyari ang insidente habang abala ang marami sa paghahanda sa epekto ng Super Typhoon Uwan.

Nagpasaklolo na rin ang alkalde sa mga otoridad para ma-track ang salarin, lalo na kung ibinenta nito ang mga nakuhang pasilidad.

Nananawagan din ang opisyal sa iba pang may impormasyon sa kaso na agad itong ipagbigay-alam sa kanilang opisina para matugunan.