Binigyan ng konsiderasyon ng Department of Energy (DOE) ang mga magsasaka at mga mangingisda ukol sa pagbili ng bulto ng gasolina at diesel, sa gitna ng tuloy-tuloy na taas presyo sa mga produktong petrolyo.
Ito ay bilang konsiderasyon sa kanilang hanapbuhay kung saan ginagamit ang petroleum products sa mga makinarya at bangkang pangisda.
Ayon sa DOE, pinapayagan ang pagbili ng gasolina at diesel gamit ang portable containers tulad ng jerry cans at drums para sa sektor ng agrikultura at pangingisda, partikular para sa mga bangkang pangisda gayundin sa mga makinarya sa sakahan tulad ng traktora, irrigation pump at harvester.
Ito ay excemption sa ginagawa ng ahensiya na pagbabawal sa mga bultuhang pagbili ng produktong langis, upang maiwasan ang panic buying atbpang kahalintulad na epekto.
Kailangan lamang na ang mga gagamitin ng mga magsasaka ay pawang fuel-grade containers
Ikinatuwa naman ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay konsiderasyon ng DOE sa sektor ng pagsasaka.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahalaga ang hakbang na ito upang matiyak na tuloy-tuloy ang operasyon ng mga magsasaka at mangingisda lalo na sa panahon ng pagtatanim at anihan.
Binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng petroleum products sa pagsasaka kung, lalo na sa itinutulak ng ahensiya na full mechanization o paggamit ng mga makinarya para sa mas produktibong pagsasaka.
















