-- Advertisements --

Asahan na ngayong araw ang epekto ng dalawang umiiral na weather system sa ilang bahagi ng bansa na maaaring magdala ng maulap na papawirin at mga pag-ulan.

Batay sa data ng state weather bureau, makakaapekto ngayong araw ang shearlien sa eastern section ng Visayas at Mindanao habang Northeast Monsoon naman ang makakaapekto sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas.

Magdadala ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan ang shear line sa Caraga, Eastern Visayas, Central Visayas, Sorsogon, Masbate, Camiguin, at Misamis Oriental.

Dahil dito ay asahan na ang mga pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa bulnerableng lugar kaya’t pinag-iingat ang lahat.

Makakaapekto naman ang Northeast Monsoon o Amihan na magdadala ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Visayas, Bicol Region, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Sa Metro Manila, aasahan na ang isolated rains at maulap na kalangitan dahil sa Amihan habang sa mindanao ay asahan rin ang parehong lagay ng panahon dahil sa localized thunderstorm.