-- Advertisements --

Iginiit ng Chinese Embassy na hindi mapipigilan ang kanilang pagtugon sa mga kritisismo ng Senado matapos kumondena ang 15 senador sa embahada sa Senate Resolution.

Sa pahayag ni spokesman Ji Lingpeng, binatikos niya si Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commodore Jay Tarriela, na umano’y gumawa ng 195 social posts noong 2025 at gumamit ng caricature ni Chinese President Xi Jinping sa pakikipag-usap sa mga estudyante.

Sinabi rin niya na ang freedom of speech ay para sa parehong panig at patuloy nilang ipagtatanggol ang China laban sa umano’y maling akusasyon.

Iginiit din ni Ji na ang ilang senador umano’y maling nakaintindi sa Vienna Convention on Diplomatic Relations at ipinilit ang literal na aplikasyon nito.

Pinuna naman ni Sen. Risa Hontiveros ang embahada sa umano’y paglabag sa Vienna Convention, at iminungkahi ng Senado na i-declare persona non-grata ang deputy spokesman Guo Wei.

Ayon sa embahada, patuloy nilang bantayan ang mga umano’y paninira at ipagpapaliwanag ang lahat ng alegasyon laban sa China, habang nananatiling nakatuon sa diplomatikong ugnayan at kooperasyon sa Pilipinas. (report by Bombo Jai)