Nanindigan ang ilang civic society groups na hindi dapat ginagamit bilang rason ang pagtulong sa mga mangingisdang Pilipino sa patuloy na pananatili ng bansang Tsina sa West Philippine Sea.
Anila’y may limitasyon o hangganan sa tinatawag na ‘humanitarian aid’ na siyanng hindi dahilan para maging katanggap-tanggap ang presensya ng dayuhan sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Bagama’t mayroong kinikilala na international law sa pagbibigay tulong, iginiit ni Dr. Jose Antonio Goitia ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at iba pang civic groups na hindi nito maaalis ang konteksto ng pagpasok o pananatili ng dayuhang puwersa sa loob ng EEZ ng isang bansa.
Magugunitang inihayag ng Chinese Embassy na nailigtas ng barko nito sng 17 Pilipinong seaman habang patuloy na pinaghahanap pati iba pang nawawala.
Sila rin umano ang nagligtas sa mangingisdang Pilipino nitong nakaraang Pasko matapos nang ma-stranded ng tatlong araw.
Subalit naniniwala ang naturang grupo na sa ilalim ng United Nations Convention on the Law ay may karapatan ang bansa ngunit hindi sakop ang tinatawag na ‘humanitarian assistance’ na maaring makaapekto sa seguridad ng bansa.
Kung kaya’t paalala nila sa publiki na maging mapanuri lalo na sa mga maling pahayag nagkalat kasabay ng isyu sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo.
















