-- Advertisements --

Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Chinese handler ng tatlong Pilipino na inaresto kamakailan dahil sa umano’y partisipasyon sa mga aktibidad ng pageespiya.

Ipinakita ng AFP ang larawan ng pasaporte ng Chinese handler.

Natuklasan ang pagkakakilanlan ng handler matapos ang tactical interrogation sa tatlong Pilipino na nahuli sa pagbubunyag ng impormasyon tungkol sa rotation at resupply activities sa West Philippine Sea.

Ayon kay Rear Admiral Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa WPS, ang handler ay isang Chinese national na kadalasan ay pumupunta sa Pilipinas o nakikipagkita sa ibang bansa.

Ang mga Pilipinong nagbibigay ng impormasyon ay binabayaran mula lima anggang anim na numero para sa bawat impormasyong ibinibigay.

Sinabi ng PCG na rerebyuhin ang sistema sa paghawak ng sensitibong impormasyon upang maiwasan ang kompromiso sa operasyon sa WPS. Gayundin, pananagutin ang PCG officer na di-sinasadyang nagbunyag ng impormasyon.