Nais tugunan ng Atin Ito Coalition ang tatlong krisis na umano’y kinakaharap ng bansa ukol sa West Philippine Sea (WPS) sa ika-apat (4) na civilian mission na planong isagawa sa buwan ng Abril.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Akbayan Party-List President Rafaela David, tatlong beses na itong nagawa ng grupo at pare-parehong napagtagumpayan ang iba’t-ibang mga hamon sa pinag-aagawang karagatan, tulad ng presensiya ng Chinese vessels, atbpa.
Paliwanag ni David, napagdesisyunan ng grupo na magkasa muli ng misyon upang labanan ang tatlong pangunahing krisis tulad ng mga sumusunod:
Una, upang tulungan ang mga mangingisdang apektado sa oil crisis dala ng matinding giyera sa Middle East. Target ng grupo ng magdala ng bari-bariles na petroleum products atbpang supplies sa mga mangingisda sa WPS.
Pangalawa ay upang mapalawak ang awarenes ukol sa Chinese spying activities. Ayon kay David, magkakaroon ng mga serye ng awareness campaign laban sa posibleng pangre-recruit ng China sa mga Pinoy upang magsilbing kanilang espiya.
Pangatlo ay upang mapigilang dumami pa ang mga ”Tsinador” at posibleng kanilang supporter.
Magtatagal ng limang araw ang panibagong misyon ng coalition na planong isagawa sa huling lingo ng Abril.
Kasama sa mga nakahanay na aktibidad ay ay diyalogo sa mga residente sa Pag-Asa Islands, pakikinipagkuwentuhan sa mga mangingisda, pag-aaral sa kahalagahan ng WPS, atbpang ‘patriotic activities’ na sadyang inihahanay upang mapalakas pa ang pagmamahal ng mga Pilipino sa pinag-aagawang karagatan.















