-- Advertisements --

Naitabla na sa 2-2 ng TNT Tropang 5G ang best of seven PBA Philippine Cup Finals kontra sa San Miguel Beermen 110-87.

Bumida sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 29 points sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena
.
Nag-ambag naman ng 17 points si Jordan Heading habang mayroong 13 points si Rey Nambatac.

Nakuha ng TNT ang pinakamalaking kalamangan sa third quarter sa score na 82-47.

Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na naging desidido ang kaniyang manlalaro kaya hindi nila pinabayaan na manalo pa ang Beermen.

Nasayang naman ang nagawang 18 points at 16 rebounds ni June Mar Fajardo habang mayroong 13 points si Don Trollano.