-- Advertisements --

Pasok na sa quaterfinals ng WTA 125 Philippine Women’s Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Tinalo kasi ni Eala si Himeno Sakatsume ng Japan sa score na 6-4, 6-0 sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex.

Sa unang set ay bahagyang nahirapan si Eala matapos makalamang ang Japanese player 4-3 subalit nahabol ito ng Pinay tennis player.

Sa pangalawang set ay nadomina ni Eala ang laro at hindi na kailanman pinapuntos si Sakatsume.

Inamin ni Eala na sa unang set ay nag-aadjust pa lamang nito at pagdating ng second set ay nakuha na nito ang kaniyang composure.

Susunod na makakahaarp nito si Camila Osorio ng Colombia na gaganapin sa Huwebes, Enero 29.