Muling makakaharap ni Filipina tennis player Alex Eala si World No. 14 Linda Noskova sa Round of 16 ng Indian Wells Open.
Unang nagtagpo ang dalawa noong 2020 French Open Juniors quarterfinals, kung saan nanaig si Eala laban sa Czech player.
Ngayon, muling susubukin ng Pinay star ang lakas ni Noskova sa mas malaking entablado.
Gaganapin ang kanilang laban bukas, Miyerkules, Marso 11, sa main court ng Indian Wells Open.
Hawak ni Noskova ang career-high ranking na No. 12, habang si Eala naman ay nakapagtala ng career-high na No. 31.
Sa kasalukuyan, nasa No. 14 sa WTA rankings ang batikang Czech player, samantalang nasa No. 32 naman ang Filipina tennis sensation.
Ang laban ay inaasahang magiging kapana-panabik dahil parehong nasa rurok ng kanilang karera ang dalawang manlalaro.













