-- Advertisements --

Agad na nagsanay na si Pinay tennis star Alex Eala para sa round of 16 ng Indian Wells Open sa California.

Makakaharap nito ang 21-anyos na Czech tennis player na si Linda Noskova.

Si Noskova ay ranked number 14 ng Womens Tennis Association at naging kampeon ng 2024 Monterey Open.

Magugunitang nakapasok sa round of 16 ang 20-anyos na si Eala matapos na magretire si world number 4 na si Coco Gauff dahil sa injury.

Hawak na ni Eala ang kalamangan 6-2, 2-0 ng magpasya ang American tennis star na itigil ang laro dahil sa iniinda nitong sakit sa braso at balikat.

Pinasalamatan ni Gauff si Eala dahil sa hiling nito nga agarang paggaling.