-- Advertisements --

Sinagot ni Atty. Levito Baligod ang rebelasyon ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ukol sa sinasabing ‘delivery’ ng mga maleta nagsimula bago pa ang kasalukuyang administrasyon.

Sa isang online post ng naturang abogado kanyang sinabi na tila inamin ng opisyal ang patungkol sa salaysay ng mga dating sundalo.

Ngunit kumento niya’y pawang kinuluyan ng politika ni Ombudsman Remulla ang isyu nang ibahagi sa publiko ang natanggap nitong impormasyon.

Giiy ni Atty. Baligod na hindi umano maituturing na ‘intelligence’ ang source nito sapagkat ginawang palusot na ang isang litrato ay nakuha mula pa sa nakalipas na mga taon.

Hamon niya’y aminin na rin ni Ombudsman na mas pina-igting ang ‘deliveries’ ng mga maleta ngayong panahon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ito aniya’y para hindi siya masabihan na nagbubulag-bulagan lamang ukol sa mga alegasyon at isiniwalat na rebelasyon ng mga nagpakilalang dating sundalo

Kung maalala, sa naganap na pulong balitaan ay ibinunyag ni Ombudsman Jesus Remulla na ang isa sa mga makikitang larawan ng ‘maleta delivery’ sa salaysay ng grupo ay kuha pa noon panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte o former House Speaker Lord Allan Velasco.

Dagdag pa ni Ombudsman Boying na batay sa impormasyon, ang laman ng sinasabing mga idinedeliver na mga maleta ay pera.

Ngunit kanyang sinabi na ito’y nagsimula na bago ang taon 2022 o administrasyon Marcos Jr.

Sa kabila nito, binigyang diin ng tanod-bayan na importante pa rin na magsumite ang 18-dating sundalo ng kani-kanilang mga ‘salaysay’.

Bukod sa ‘joint-affidavit’ na idinala sa tanggapan, naniniwala si Ombudsman Remulla na dapat pa rin nilang ilahad ang indibidwal o magkakahiwalay na testimonya base sa personal na nalalaman.