-- Advertisements --

Sinabihan ni Senador Kiko Pangilinan ang Chinese Embassy na ang trolling at pambabastos laban sa mga Filipino lawmakers ay hindi kayang baligtarin ang arbitral award na nagpawalang-bisa sa labis na territorial claims ng China sa WEST PH Sea.

Pinangunahan ni Pangilinan ang Senate Resolution No. 256, na nilagdaan ng 15 senador, na humihiling sa mga opisyal ng China na itigil ang hindi diplomatiko nilang kilos at igalang ang soberanya at karapatan ng Pilipinas sa dagat.

Ang role aniya ng isang diplomatic mission ay magsanay ng diplomasya, hindi mag-provoke o mang-insulto sa mga nagsasalita para sa bansa. Idinagdag niya na ang arbitral award ay permanente; hindi ito mawawala sa pamamagitan ng trolling, insulto, o pressure.

Tinawag ng resolusyon ang Department of Foreign Affairs na isagawa ang nararapat na hakbang upang tiyaking ang ugnayang panlabas ay naaayon sa respeto at internasyonal na pamantayan. (report by Bombo Jai)