-- Advertisements --

Iginiit ni White House border czar Tom Homan na maging si US President Donald Trump ay hindi nais na mayroong masawi dahil sa immigration crackdown.

Nasa Minnesota si Homan para tignan ang kalagayan ng lugar dahil sa sumiklab ang kilos protesta matapos na mapatay ng mga Immigration Custom Enforcement (ICE) agents si Alex Pretti.

Dagdag pa ni Homan na hanggang sa maaari ay hinahabaan ng mga ICE agents ang kanilang pasensya para hindi na magresulta sa madugo ang kanilang operasyon.

Magugunitang sumiklab ang kilos protesta dahil sa madugong immigration crackdown sa Minnesota.