Ginawaran ngayong araw, January 23, 2026, ng gobyerno ng Taiwan ang dating Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairperson at kasalukuyang House of Representatives Secretary General Cheloy Velicaria-Garafil ng Order of Brilliant Star with Grand Cordon.
Ang naturang parangal, ay isa sa pinakamataas na sibil na dekorasyon ng Taiwan, ay iginawad ni Foreign Minister Lin Chia-lung bilang pagkilala sa mahalagang papel ni Garafil sa pagpapalakas ng ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan noong siya pa ang kinatawan ng bansa rito.
Sa isang pahayag sinabi ni Garafil na buong pagpapakumbaba niyang ibinabahagi ang karangalan sa kaniyang mga kasamahan na walang pagod na nagtrabaho noong panahon ng kaniyang panunungkulan.
Ginanap ang seremonya sa Grand Hall ng Ministry of Foreign Affairs sa Taipei, na dinaluhan ng mga opisyal at kinatawan mula sa dalawang panig.
Ang Order of Brilliant Star ay tradisyunal na ibinibigay sa mga senior foreign officials na nag-ambag nang malaki sa diplomatikong relasyon ng bansa.










