Muling binatiktos ni Senator Risa Honetiveros ang pagkondena ng Chinese Embassy sa ilang mga opisyal ng Pilipinas kaugnay ng kasalukuyang isyu sa West Philippine Sea.
Sa kaniyang privilege speech, iginiit ni Hontiveros na walang karapatan ang sinumang kinatawan ng dayuhang bansa na maghimasok at manakot ng mga opisyal ng Pilipinas sa kanilang mga pahayag, lalo na kung may kinalaman sa soberanya ay pambansang interes.
Ayon sa senadora, nilabag umano ng chinese Embassy ang Vienna Convention on Diplomatic Relations matapos maglabas ng mga pahayag at babala laban sa ilang Pilipinong Opisyal.
Binanggit din ni Hontiveros ang sunod-sunod na online posts at komento mula mismo sa opisyal na internet account ng Chinese Embassy na umano’y siyang tugon laban sakanyang mga pahayag at pag-target sa ilang opisyal ang gobyerno kabilang na si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela.
Ibinunyag din ng mambabatas ang umano’y pagtanggap ng bayad ng ilang PR firms at content creators mula sa Chinese Embassy upang magpakalat ng kasinunghalingan mula sa China government. Bagay na kailangan umanong imbesitagahan at panagutin ang mga ito. Binigyang-linaw naman ng senadora na ang isyu ay hindi laban sa mamamayang Tsino, kundi sa mga polisiya ng pamahalaan ng China.
Sa huli nanawagan si Hontiveros sa publiko na maging mapagmatyag laban sa disinformation at ipagtanggol ang demokrasya at soberanya ng Pilipinas.















