-- Advertisements --

Sumampa na sa 17 ang bilang ng nasawi sa landslide sa West Java, Indonesia, nitong araw ng Lunes, Enero 26, ayon sa National Disaster Mitigation Agency, habang 73 pa ang nawawala.

Magugunitang ang landslide ay tumama sa Pasir Langu village sa Bandung Barat region, isang mabundok na area na nasa 100 km ng Jakarta.

Batay sa mga awtoridad sanhi ng malakas na ulan na nagsimula pa noong Biyernes ang naturang landslide.

Mahigit 30 kabahayan ang nalibing sa landslide.

Kabilang sa mga nawawala ang 23 opisyal ng navy na nasa border patrol training nang maganap ang sakuna, ayon kay Navy Chief Muhammad Ali.

Kasunod nito nahihirapan din daw ang rescue teams na makarating sa lugar dahil sa masamang panahon at kakulangan ng mga heavy equipment.

Kaugnay pa nito nararanasan din ang flash floods sa ilang bahagi ng Indonesia, kabilang ang West Java at Jakarta, na nagdulot ng sapilitang evacuations.

Napagalaman na ang insidente ay naganap lamang dalawang buwan matapos ang malawakang pagbaha at landslide sa Sumatra na ikinamatay ng 1,200 katao at nagdulot ng displacement ng higit sa isang milyong residente.