Magsisimula na sa mga susunod na araw ang posibleng pinakamalamig na yugto ng Amihan (northeast monsoon) season na kadalasang nangyayari sa huling bahagi ng Enero.
Simula bukas, ay tinataya ang malakas na bugso ng amihan na magdadala ng malamig na simoy ng hangin sa Luzon na posibleng umabot pa sa Visayas at hilagang bahagi ng Mindanao.
Bunsod nito, asahan ang muling pagbaba ng mga temperatura, partikular sa Northern Luzon.
Posibleng maging maulan din sa silangang bahagi ng bansa dahil sa northeast monsoon at iba pang weather system.
May posibilidad na may mga kasunod pa itong mas malakas na surge ng amihan sa mga susunod na linggo, lalo na sa unang bahagi ng Pebrero.
Sa mga nakaraang araw, naitala ang 7.5 degrees Celsius sa mga kabundukan ng Cordillera, habang 7.9 degrees naman sa mga karating na lugar sa bahagi ng Luzon.















