-- Advertisements --

Maaaring nasa Cambodia o Thailand ang wanted na negosyanteng si Charlie Atong Ang.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na ito ay base sa nakuha nilang impormasyon mula sa whistleblower na si Julie Patidongan.

Dagdag naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla na mayroong kakayanan si Ang na bumiyahe sa Cambodia sa pamamagitan ng pagdaan sa backdoor para iwasan ang mga otoridad.

Mayroon umanong online sabong operation si Ang sa Cambodia kaya tiyak na marami na itong kakilalang mga opisyal doon kasama na ang Thailand.

Sakaling makumpirma na nasa Cambodia o Thailand si Ang ay kanilang idudulog ang impormasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr para pagdesisyunan niya kung ano ang susunod na hakbang.

Una kasing sinabi ng pangulo na prioridad nito ang kaso ng mga nawawalang sabungero kung saan ang itinuturing mastermind ay si Ang.