Nasa kustodiya na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 15 pinoy na survivor at bangkay ng 2 namatay na crew members ng M/V Devon Bay matapos maturn-over ng Chinese Coast Guard (CCG).
Batay sa pahayag ng PCG, nakuha ang mga pinoy crew members matapos ang isinagawang turnover operation sa pagitan ng PCG at CCG na may layong 168 nautical miles pakanlurang bahagi ng Tambobong, Pangasinan.
Ayon pa sa PCG, nailipat ang mga pinoy sa pamamagitan ng rigid-hull inflatable boats dahil sa laki ng mga alon kaya’t hindi makapagdikit ang dalawang barko. Habang nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa pamilya ng dalawang namatay upang mabigyan ng maayos an burol ang mga biktima.
Kasalukuyang sakay ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ang 17 crew members na inaasahang makakarating sa Pier 13 ng Port Area sa lungsod ng Manila, Lunes ng umaga. Habang tiniyak naman ng PCG na patuloy parin ang isinasagawang search and rescue operation sa 4 pang nawawala.
Huling namataan ang M/V Devon cargo sa layong 262 kilometro sa kanlurang bahagi ng Sabangan, Pangasinan, bandang alas-8:30 ng gabi noong Huwebes karga ang iron ore patungong Guangdong China.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si PCG spokesperson Captian Neomie Cayabyab sa ahensya ng CCG para humanitarian assistance upang masiguro ang pagpapanatili ng kaligtasan ng buhay sa karagatan.















