-- Advertisements --

Binura ng Denver Nuggets ang 20-point deficit na dinanas nito sa karibal na San Antonio Spurs, at ibinulsa ang panalo sa score na 136-131.

Panibagong triple-double performace ang ibinulsa ng Denver bigman na si Nikola Jokic: 31 points, 20 rebounds, at 12 assists. Kumamada rin siya ng tatlong steal at dalawang blocks sa 39 mins na kaniyang paglalaro.

Nanguna naman sa team scoring ang point guard na si Jamal Murray na nagpasok ng 39 points mula sa 11 field goals na kaniyang pinakawalan. Nagawa ni Murray na ipasok ang lahat ng kaniyang 15 free throw attempts.

Sinamantala ng 2023 NBA champion ang hindi paglalaro ng bigman na si Victor Wembanyama upang iposte ang bigtime comeback sa ikalawang bahagi ng laban, lalo na sa 4th quarter kung saan ipinoste ng Nuggets ang 42-25 run sa kabuuan ng huling quarter.

Hindi naman naging sapat ang triple-double performance ng Spurs guard na si Stephon Castle na kumamada ng 30 points, 11 rebounds, at sampung assists sa loob ng 35 mins na kaniyang paglalaro sa hardcourt.

Sa loob ng 66 games na kanilang inilaro ngayong season, parehong naibulsa ng dalawang koponan ang mihigit 40 wins kung saan hawak ng Nuggets ang 41 panalo habang 48 naman sa Spurs.

Mayroon na lamang hindi lalagpas sa 20 games na natitira sa NBA bago tuluyang matapos ang regular season.