-- Advertisements --

Umabot na sa 565 na aftershocks ang naitala sa Kalamansig, Sultan Kudarat matapos ang malakas na lindol noong Enero 20, 2026.

Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, 28 sa mga pagyanig ay naramdaman ng mga residente.

Pinakahuli, isang magnitude 3.2 na aftershock ang naitala kaninang umaga, Enero 21, na naramdaman sa Kalamansig.

Nauna ring naitala ang magnitude 4.2 at 4.4 na aftershocks noong Enero 20 na umabot sa Lebak, Tacurong City, at Pres. Quirino.

Wala namang nakataas na tsunami alert, ngunit patuloy na mino-monitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon.

Hanggang ngayon ay wala pang naiulat na malaking pinsala sa mga gusali o imprastruktura.

Pinapayuhan pa rin ang mga residente na manatiling alerto at maghanda sa posibleng karagdagang aftershocks.