-- Advertisements --

Niyanig ng Magnitude 5.0 na lindol ang bahagi ng Iloilo nitong Marso 2, 2026, alas-6:13 ng gabi.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kabilang sa mga nakaramdam ng pagyanig ay ang mga lugar ng Guimaras, Antique, at Negros Occidental.

Ang epicenter ng lindol ay natukoy sa tinatayang 2 kilometro timog silangan ng Tigbauan, Iloilo, na may lalim na 10 kilometro.

Reported Intensity:
Intensity IV – Jordan, Guimaras; Lungsod ng Iloilo
Intensity III – Valderrama at Culasi, Antique; Nueva Valencia, Guimaras; Lungsod ng Passi, Iloilo
Intensity II – Malinao, Aklan; Tapaz, Capiz; San Lorenzo, Guimaras; Lungsod ng La Carlota, Sipalay, at Bacolod, Negros Occidental; San Jose de Buenavista, Antique
Intensity I – Ibajay at Malay, Aklan; Anini’y, Antique; Jamindan, Capiz

Sa kasalukuyan, wala pang iniulat na pinsala o nasawi mula sa naturang pagyanig. 

Patuloy namang mino-monitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon at nagpaalala sa publiko na manatiling mapagmatyag sa posibleng aftershocks.