Kinontra ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naging pahayag ng 18 marino na gumamit sila ng air taxi flight para magdeliver ng maletang pera sa bahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Ilocos Norte.
Ayon kay NBI chief Atty. Melvin Matibag, na wala silang nakuhang aumang flight logs na para patunayan na idineliver ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang pera.
Mula pa noong 2023 at 2025 ay siniyasat ng NBI ang mga flight record at wala silang nakitang anumang flight ni Co at ilang mga opisyal.
Una ng sinabi ni Sgt. Belnard Tube na isinama siya ni Co para bumiyahe sa Ilocos Norte at ideliver ang maletang pera sa pangulo.
Ang NBI ay siyang itinalaga para imbestigahan ang mga ibinunyag ng 18 marines na mayroong male-maletang pera silang ibinigay sa iba’t-ibang mga opisyal ng gobyerno kasama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
















