Ibinasura ng Sandiganbayan third division ang ikalawang mosyon ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na humihiling sa voluntary inhibition ni Associate Justice Karl Miranda sa kaniyang malversation case kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ayon sa Anti-Graft Court, walang sapat na merito ang mosyon ni Revilla kaya mananatili si Justice Miranda bilang bahagi ng division at magpapatuloy sa pagdinig ng kaso.
Iginiit ni Revilla ang posibleng conflict of interest dahil kapatid ni Justice Miranda si Atty. Buenaventura Miranda, na naging abogado ng dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo sa mga nakaraang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee.
Gayunman, sa desisyon ng Sandiganbayan, gindi pinagbigyan ang kahilingan ni Revilla at pinanatili si Justice Miranda sa pagdinig ng kaso.
















