-- Advertisements --

Muling pinatunayan ng Bombo Radyo Philippines ang kahusayan nito sa larangan ng pamamahayag matapos magwagi sa 29th Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Kabilang sa pinarangalan ang Star FM Bacolod bilang Best FM Radio Station – Provincial, Bombo Radyo Roxas para sa Best Radio Station Promotional Material, at Bombo Radyo Koronadal bilang Best Sports Program.

Samantala, walo pang finalist entries mula sa Bombo Radyo Philippines ang kumatawan sa network sa iba’t ibang kategorya.

Best AM Radio Station – Provincial- Bombo Radyo Iloilo

Best FM Radio Station – Metro Manila-Star FM Manila

Best Newscast – Metro Manila- Bombo Network News

Best Newscast – Provincial- Bombo Radyo Cagayan de Oro at Bombo Radyo Iloilo

Best Special Program- Bombo Radyo Cebu

Best Public Service Announcement- Star FM Baguio

Best Radio Station Promotional Material-Star FM Baguio

Ang mga parangal na ito ay dagdag na pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng Bombo Radyo Philippines na maghatid ng de-kalidad na pagbabalita, makabuluhang programa at serbisyong pampubliko sa mga Pilipino sa buong bansa.

Ang pagkilalang ito ay higit na makabuluhan habang ipinagdiriwang ng Bombo Radyo Philippines ang 60 taon ng Media Excellence — anim na dekada ng paghahatid ng balita, impormasyon at serbisyo sa buong bansa.

Sa ilalim ng pamumuno ng Chairman ng Bombo Radyo Philippines, Dr. Rogelio M. Florete at President and CEO Margaret Ruth C. Florete, patuloy na itinataguyod ng Bombo Radyo Philippines ang kahusayan, balanse at responsableng pamamahayag.

Inaalay din ng Bombo Radyo Philippines ang karangalang ito sa lahat, sa mga tagapakinig at tagasubaybay na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa network.

Bombo Radyo Philippines, The Number 1 Radio Network in the Country. Your Trusted Source of News and Information.

Basta Radyo… Bombo!