-- Advertisements --

Tinulungang isinugod sa ospital matapos makaranas ng atake sa puso ang 78-anyos na kasapi ng PISTON na si Elmer Cordero.

Si Cordero ay kilala bilang “Tatay Elmer,” na aktibong nakikilahok sa nationwide transport strike, kung saan nakapwesto sila sa Monumento, Caloocan City.

Ayon sa pahayag ng grupo, nawalan ng malay ang kanilang miyembro, matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib sa strike center at kasalukuyan pa ring ginagamot sa Caloocan City Medical Center.

Si Mang Elmer ay mahigit 50 taon nang namamasada.

Isa siya sa limang drivers na naaresto noong taong 2020 sa gitna ng pandemya habang nananawagan para sa pagbabalik ng pampublikong transportasyon.

Sa kabila ng kaniyang edad at mahinang pangangatawan, pinili pa rin nito na kaniyang pamunuan ang panawagan ng mga tsuper at commuters laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.