-- Advertisements --

Iginiit ni Denator Panfilo Lacson na tila masyadong nakatuon ang defense team ni Vice President Sara duterte sa mga teknikal at maliliit na detalye sa impeachment trial.

Ayon kay lacson, maaaring naglalayon ang ganitong estratehiya na makalikha ng kahit maliit na pagdududa upang ipakitang kailangang patunayan ang kaso beyond reasonable doubt, gaya sa criminal cases.

Ginawa ni lacson ang pahayag matapos ang cross-examination ni defense counsel CJ Narvasa kay Philgeps division chief Rendell Sopeña, isang witness para sa article II ng impeachment complaint.

Kabilang sa mga itinanong ni Narvasa ang proseso ng bidding, na ilang ulit namang tinutulan ng house lead prosecutor na si Gerville Luistro dahil ang Philgeps ay Repository lamang ng government contracts at walang mandato na mangasiwa sa bidding process.

Binigyang-diin nga ni Lacson na hindi Ito pre-judgment at iminungkahing maaaring i-adjust ng depensa ang kanilang strategy, dahil aniya, ang sobrang teknikal na pagtutok sa maliliit na butas ay tila Hindi nagre-register sa ilang senator-judges.