-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Department of Education (DEPED) na ang work from home (WFH) policy tuwing Biyernes ay para lamang sa mga non-teaching personnel ng DepEd offices.

Ayon sa DepEd na ang mga guro at school-based staff ay magpapatuloy na pumasok sa mga paaralan.

Nakasaad kasi sa Deped Memorandum na ang WFH tuwing Biyernes ay sumasakop lamang sa mga non-teaching at kahalintulad na ito ay epektibo sa mga nasa central, regional at division offices.

Mahalaga na pumasok ang mga teaching personnel at ipagpatuloy ang kasalukuyang schedules at matiyak na tuloy-tuloy ang klase.

Ang nasabing polisiya ay base sa layon ng gobyerno na makatipid ng enerhiya sa pamamagitang pagpapatupad ng 4-day work week para sa ilang ahensiya ng gobyerno.