Target ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology-7 na maibaba sa 260 percent ang jail congestion rate sa Central Visayas pagsapit ng Disyembre 2026, mula sa kasalukuyang 280 percent.
Inaasahan pa ng kawanihan na lalo pang bababa ang congestion rate kapag natapos ang mga kasalukuyang construction projects.
Ayon kay JSupt. Castle Masip, Regional Chief of Directorial Staff ng BJMP-7, na kasama rin sa hakbang ang agarang paglipat ng mga sentenced prisoners sa Bureau of Corrections o BuCor.
Para sa Central Visayas, kabilang sa paglilipatan ang mga pasilidad sa Leyte.
Hinimok naman ni Masip ang mga jail warden na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mga hakbang na makababawas sa siksikan sa mga pasilidad.
Iginiit naman nito na dapat sabayan ng rehabilitation ang decongestion upang maiwasang muling makulong ang mga PDLs matapos silang mapalaya.
Kabilang sa mga programang nais pang palakasin ang College Behind Bars, livelihood programs, at iba pang inmate welfare initiatives.
Samantala, ipinatutupad din ang ResilientJailsPH, isang platform na tumutulong tukuyin ang mga kakulangan ng mga kulungan pagdating sa disaster preparedness at resilience.
Dagdag pa dito, paiigtingin din ang mga inspeksyon at greyhound operations para mapanatili ang seguridad sa mga jail facility sa rehiyon.
















