-- Advertisements --
Pangungunahan ng Department of Education (DepEd) ang nationwide school safety drill sa darating na Agosto 25.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng naganap na pamamaril sa loob ng paaralan sa Zamboanga.
Layon nito ay para mapalakas ang seguridad at agad na masawata ang anumang karahasan sa mga paaralan.
Una ng sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na dahil sa pangyayari ay nais nilang muling suriin ang security situation at mga kasalukuyang ipinapatupad na paghihigpit sa mga paaralan.
Dito aniya ay makikita kung ano pa ang kailangan na baguhin o dagdagan sa kasalukuyang ipinapatupad na pagbibigay na seguridad.
Handa rin aniya silang magbigay ng dagdag na pondo para mapaigting ang security operations sa mga paaralan.
















