Limang bangkay na pinaniniwalaang mula sa nawawalang barko na MBCA Amejara ang natagpuan, ayon kay Coast Guard Southeastern Mindanao Commander Commodore Philipps Soria nitong Sabado, Enero 24, 2026.
Ayon kay Soria, apat (4) na bangkay ang unang narekober, at bandang alas-11:30-11:45 ng umaga, isang floating cadaver naman ang nakita ng mga piloto ng Coast Guard.
Tinututukan na sa ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang retrieval ng mga bangkay, at nakipag-ugnayan na rin sila sa Philippine Navy upang kunin ang mga ito.
Ayon kay Soria, patuloy ang search and rescue operations para maghanap ng mga posibleng nakaligtas.
Nabatid na ang MBCA Amejara ay nawawala noong Lunes, Enero 19, habang naglalayag sa Davao Gulf.
Ayon sa ulat ng PCG noong Huwebes, tatlong (3) crew members at 12 pasahero pa ang nawawala, habang isang (1) crew member lamang ang naiulat na nailigtas.
















