-- Advertisements --

Natagpuan na ang bangkay ng anak ni Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido na si John Ysmael.

Nakita ang mga otoridad ang bangkay ng 8-anyos na biktima sa Barangay Maluid sa Victoria, Tarlac nitong hapon ng Huwebes, Enero 29.

Isang linggong nawawala ang bangkay ng 8-anyos na bata matapos ang pagkawala din ng ina nito.

Una ng natagpuan ang bangkay ng police sa Bulacan noong Sabado ng hapon sa isang creek sa Pulilan-Baliuag Road, Barangay Dulong Malabon, Pulila, Bulacan.

Natunton naman ang bangkay ng bata ng makakita sila ng bakas ng dugo sa loob ng bahay ng ahente ng kotse na isa sa mga persons of interest sa pagkawala at pagpatay sa police.

Isang ahente ng sasakyan ang persons of interest ng kapulisan kung ibinebenta ng biktima ang kaniyang kotse.

Kinukuha na rin ng PNP ang mga kopya ng CCTV na maaring makatulong sa pagresolba sa kaso kung saan ang person of interest ay residente ng Quezon City at kung paano niya itinapon ang bangkay sa Bulacan at Tarlac.