-- Advertisements --

Patuloy na nakakaranas ng serye ng mga lindol ang karagatang sakop ng Sultan Kudarat mula Enero 19 hanggang Enero 29, 2026.

Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, umabot na sa 2,264 ang naitalang lindol, kung saan 677 ang na-plot at 84 ang naramdaman ng mga residente.

Ang lakas ng mga pagyanig ay nasa pagitan ng magnitude 1.3 hanggang 5.9, na nagdulot ng pangamba sa mga komunidad sa paligid.

Ipinaliwanag ng PHIVOLCS na ang serye ng lindol ay kaugnay ng paggalaw sa Cotabato Trench, isang aktibong fault system sa Mindanao.

Noong Enero 28 at 29, nakaranas ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat, na nagresulta sa preemptive evacuation ng mahigit 350 pamilya mula sa mga coastal barangay.

Naitala rin ang Intensity II sa mga bayan ng T’Boli at Surallah sa South Cotabato, at sa Palimbang at Lebak sa Sultan Kudarat, habang Intensity I naman sa ilang bahagi ng Sarangani at South Cotabato.