-- Advertisements --

Nagsagawa ang Bureau of Immigration ng operasyon o ‘raid’ sa isang shopping mall sa Baclaran, lungsod ng Pasay.

Nagdulot ito para tuluyang maaresto ang nasa 83 foreign nationals sa ikinasang tinatawag na ‘large-scale intelligence-driven operation’.

Ayon sa ulat ng kawanihan, nag-ugat ito nang makatanggap ng impormasyon nagsasabing may mga dayuhan nagsasagawa ng bentahan sa naturang lugar.

Kanilang naaresto ang 68 Bangladeshi nationals, 14 na Chinese at isang dayuhan Indian.

Sa inisyal na pagsusuri ng rekord, bagama’t may lehitimong visas ang mga ito, sila nama’y kasama sa ‘retail trade activities’ na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ng bansa.

Kung kaya’y nahaharap ang mga dayuhan sa paglabag ng immigraton laws tulad ng undocumented stay, misrepresentation, at paglabag sa Retail Trade Liberalization Act o RA No. 8762.

Binigyang diin ni Immigration Comm. Joel Anthony Viado na ang pagkakaroon ng visa ay hindi pahintulot para makapagtrabaho o negosyo na rin ang dayuhan sa bansa.