-- Advertisements --
Pinuri ni dating world number 1 tennis star Novak Djokovic ang kasikatan ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala.
Isa kasi si Djokovic na nakasaksi kung paano sinuportahan ng mga Pinoy fans sa Australia si Eala.
Nakita nito na noong laro pa lamang ng 20-anyos na si Eala ay napuno agad ang playing court.
Dagdag pa ng Serbian tennis star na dapat ay inilagay sa mas malaking court si Eala dahil sa dami ng mga nanood noong ito ay naglaro.
Bagamat natalo ang world number 49 sa first round laban kay Alycia Parks ng US ay marami pa rin ang sumuporta sa kaniya.















