Naghain ng panukalang batas si CIBAC Partylist Representative Eddie Villanueva sa pagbabawal sa mga kabataan edad 16 pababa na gumamit ng social media.
Sa House Bill 8262, o ang “Social Media Protection For Minor Act” ay layon nito na dapat hindi muna payagan ang mga batang edad 16 pababa na magkaroon ng access sa social media.
Ang nasabing hakbang ay bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga negatibong epekto sa mental health, kaligtasan at sa paglaki ng mga bata ang paggamit ng social media.
Sinabi ni Villanueva na ang pagprotekta sa mga bata para gumamit ng social media ay isang moral at national responsibility.
Dagdag pa nito na ikinakabahala nito ang negatibong epekto ng social media sa mga kabataan kung saan madali silang ma-expose sa mga karahasan, kabastusan at ilang mga negatibong kaugalian.
Magugunitan nagpatupad ang bansang Australia sa pagbabawal sa mga batang gumamit ng social media na sinundan ng France, Spain, Malaysia at Indonesia.
















