-- Advertisements --

Pasok na sa ikatlong rounds ng Indian Wells si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin niya si Dayanara Yastremska sa socre na 7-5, 4-6, 7-5.

Sa unang round ay kontrolado ng 20-ayos na si Eala ang laro.

Subalit pagpasok ng ikalawang round ay doon umatake ang Ukrainian tennis player.

Bagamat hindi naging madali sa ikatlong set ang laro ay naitawid ni Eala at nakuha nito ang panalo.

Susunod na makakaharap nito sa ikatlong round ang US tennis star na si Coco Gauff.