-- Advertisements --

Tinanggihan ni U.S. President Donald Trump, ang mga diplomatic efforts ng ilang Middle Eastern mediators upang magsimula ng ceasefire talks sa Iran, ayon sa report.

Nagsimula ang lumalawak na conflict noong Pebrero 28, matapos maglunsad ang U.S. at Israel ng malawakang air assault laban sa Iran. Bilang tugon, gumanti ang Tehran sa mas malawak na digmaan na nagdulot ng maraming casualties at nagpalala sa tensyon sa buong mundo.

Isinara rin ng Iran ang Strait of Hormuz, isang pangunahing ruta ng pandaigdigang suplay ng langis, na nagdulot ng pagkaantala sa global oil shipments.

Sa kabila ng paulit-ulit na pagsisikap ng ilang bansa, kabilang ang Oman, upang buksan ang diplomatic channels, malinaw umano na hindi interesado ang administrasyon ni Trump sa ceasefire negotiations sa ngayon.

Sa halip, nakatuon umano ito sa military pressure upang pahinain ang kapangyarihan ng Iran.

Samantala, sinabi rin ng mga source na tinanggihan ng mga opisyal ng Iran ang mga panukalang tigil-putukan hangga’t hindi tumitigil ang mga airstrike ng Amerika at Israel at hindi natutugunan ang kanilang hinihinging compensation.

Habang tumitindi ang tensyon, patuloy na nananawagan ang mga lider ng iba’t ibang bansa ng tigil putukan at mediation. Gayunman, wala pang malinaw na progreso sa lumalawak na labanan.