-- Advertisements --

Hindi kinumpirma ni Senator Imee Marcos kung dadalo siya sa nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Lunes sa gitna ng alitan nila ng chairman ng komite na si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.

Nagsimula ang hidwaan sa pagitan ng dalawa matapos igiit ni Sen. Marcos na pinipigilan umano ng komite ang mga minority senators na iugnay si dating House Speaker Martin Romualdez sa umano’y anomalya sa flood control funds.

Binatikos naman ni Sen. Lacson ang umano’y walang basehang akusasyon ng Senadora at binanggit na wala pa siyang dinaluhang pagdinig bilang chair ng komite.

Noong Linggo, nakiisa si Senator Marcos sa taunang pista ng Sto. Niño sa Tondo, kung saan nag-alay siya ng panalangin para sa mga Pilipinong naghihirap.