Nag-negatibo sa isinagawang HIV test ang naarestong Russian vlogger ng Bureau of Immigration kamakailan na nanakot online magpapakalat ng sakit.
Sa impormasyon ng kawanihan, ang pagkakaaresto at agaran pagsasailalim sa ‘medical examination’ ay isinagawa katuwang ang Department of Health.
Ayon kay Immigration Comm. Joel Anthony Viado, kadyat silang nakipag-ugnayan kay DOJ Sec. Ted Herbosa hinggil rito at nakumpirmang ‘non-reactive’ sa naturang sakit ang naaresto.
Nitong nakaraan lamang kasi ay kumalat ang video online kung saan magpapakalat raw ang dayuhan ng sakit na HIV habang nasa bansa subalit isa lamang palang ‘rage-bait’.
Gayunpaman, pagtitiyak ng kawanihan na kanilang hindi palalagpasin ang mga dayuhan lalabag sa batas at mga mag-uudyok na ikakaalarma ng publiko ay siyang papanagutin.
Suportado aniya ang ginawang hakbang ni Comm. Tarriela sa paninindigan ilahad ang katotohanan at ipagtanggol ang teritoryo ng bansa.
Dahil rito’y mariin naman nilang tinutulan ang anumang pnanakot at panggigipit na ginagawa ng bansang Tsina sa Pilipinas.















