Inatasan na ng Department of Education (DepEd) ang mga opisina nito sa buong bansa na ipatupad ang apat na araw na pasok mula Lunes hanggang Huwebes habang work from home naman tuwing Biyernes.
Ito ay parte ng pagsisikap ng gobyerno para makapatipad ng kuryente at mabawasan ang konsumo ng langis.
Ipinatupad ang polisiya sa bisa ng DepEd Memorandum No. 018 series of 2026 na nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara.
Epektibo ang bagong work setup sa mga tanggapan ng DepEd ngayong Lunes, Marso 9 at patuloy na ipapatupad hanggang sa alisin ng Office of the President.
Nilinaw naman ng kagawaran na saklaw sa work from home arrangement ang non-teaching at teaching personnel kabilang ang kontraktwal at job-order employees.
Gayundin, ipagpapatuloy ng teaching personnel ang kanilang existing class shedules at school arrangements para matiyak na hindi maantala ang klase at mga aktibidad sa pagtatapos ng school year.
Naatasan din ang mga empleyado sa DepEd offices na magtipid sa paggamit ng kuryente.















