-- Advertisements --

Pinayagan ng Senado ang mga opisyal at empleyado nitong ‘walang direktang may kinalaman sa plenary session na mag-work from home ngayong Miyerkules, Agosto 19, dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., ipinag-utos ni Senate President Sherwin Gatchalian ang work-from-home arrangement bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 129 ng Malacañang.

Sa naturang kautusan, pinayuhan ang mga paaralan at tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at iba pang lugar na apektado ng Habagat na gumamit ng alternative work arrangements.

Samantala, inatasan ang mga department heads ng Senado na magsumite ng listahan ng mga essential personnel na kinakailangang pumasok.

Kabilang na rito ang Office of the Sergeant-at-Arms, Legislation, External Affairs and Relations, Management and General Services Bureau, Media and Documentation Bureau, Public Relations and Information Bureau, at iba pang support offices ng Senado.

Para naman sa mga empleyado ng Senate proper, nakadepende sa kani-kanilang senador ang magiging work arrangement.

Ayon kay Bantug, maglalabas ang Senado ng panibagong abiso kung kinakailangang kanselahin ang plenary session ngayong Miyerkules.