-- Advertisements --

Inihayag ni Defense Spokesperson Atty. Michael Wesley T. Poa na hindi inaasahan ng depensa ang pag-withdraw ng prosecution kay dating senator Antonio “Sonny” Trillanes IV bilang witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Gayunman, sinabi ni Poa na wala silang nakikitang isyu rito dahil prerogative ng prosecution kung sino ang kanilang tatawaging witness at kung sino ang aalisin sa kanilang witness list bilang bahagi ng kanilang trial strategy.

Ayon kay Poa, nakahanda naman ang depensa sa mga witness na una nang inilista ng prosecution, kabilang ang nakatalagang counsel para kay Trillanes.

Sinabi rin ni Poa na inaasahan nilang maaaring baguhin ng prosecution ang pagkakasunod-sunod ng mga witness, ngunit Hindi nila inakala na tuluyan nitong aalisin si Trillanes sa witness list.

Gayunman, iginiit niyang Hindi Ito malaking isyu para sa depensa.