-- Advertisements --

Naglabas ng matinding babala ang Malacañang laban sa mga negosyanteng mananamantala sa presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng sumisiklab na gulo sa Middle East, kasabay ng pagkasa ng pamahalaan ng mga hakbang upang maibsan ang epekto ng napipintong malakihang oil price hike.

Sa isang pahayag sa New York City nitong Lunes, binigyang-diin ni official representative Castro na hahabulin ng batas ang sinumang gagamit sa krisis upang magtaas ng presyo nang walang batayan.

Iginiit ni Castro na pagkakaisa ang nais mangyari ng administrasyon at hindi ang panlalamang sa kapwa.

Nagbabala rin ito sa mga posibleng kaharapin ng mga profiteers kung sakaling mapatunayan ang kanilang paglabag.

Tiniyak naman ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na mahigpit na minomonitor ng gobyerno ang galaw ng presyo ng mga basic goods sa mga pamilihan.

Bilang paghahanda sa inaasahang pagsipa ng presyo ng petrolyo, nakikipag-ugnayan na ang Pangulo sa Kongreso upang mabigyan siya ng kapangyarihang tapyasan ang excise tax sa sandaling pumalo ang crude oil sa higit $80 kada bariles.

Uminit ang tensyon sa Middle East kasunod ng mga US-Israeli airstrikes na ikinasawi ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.