-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng world number 1 tennis star na si Aryna Sabalenka na ito ay engaged na sa nobyong negosyanteng si Georgios Frangulis.

Sa social media account ng Belarusian tennis star ay nagpost ito ng larawan ng ginawang proposal ng nobyong Brazilian na negosyante.

Ipinakita rin ng 27-anyos na si Sabalenka ang diamond engagement ring.

Magugunitang noong Marso 2024 ng magpakamatay ang dating nobyo ni Sabalenka na si ex-NHL player Konstantin Koltsov.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa tennis stars at mga fans ng tennis star.