-- Advertisements --
Mahigit isang milyong residente ng mid-Atlantic at South ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa matinding pag-ulan ng yelo na tumama sa malaking bahagi ng US.
Aabot rin sa mahigit 17,000 flights ang kanselado habang ipinatupad muna ang remote learning sa mga paaralan.
Nagtala na ang mga otoridad ng anim na katao ang nasawi dahil sa labis na lamig.
Pinayuhan ni New York City Mayor Zohran Mamdani ang mga mamamayan nito na huwag ng lumabas at manatili sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa National Weather Service na magtatagal pa ng hanggang tatlong araw ang nararanasan na snow storm.















