-- Advertisements --
Ang lumalalang digmaan sa Iran ay nagtutulak sa Asia at ibang rehiyon na gumawa ng energy triage, pagpili kung saan bawasan ang konsumo o tanggapin ang mataas na gastos habang inuuna ang limitadong suplay.
Malaki ang epekto sa Asia dahil karamihan ng fuel imports ay dumadaan sa Strait of Hormuz, ruta ng 20% ng pandaigdigang langis at LNG. Ayon sa mga eksperto, kahit bahagyang may limitasyon sa enerhiya ay puwedeng magpabagal sa idustrial activity, at ang pagtaas ng presyo ng fuel ay puwedeng magpataas ng production costs.
Ayon sa Jakarta-based Energy Shift Institute, maaaring kumalat ang parehong sitwasyon sa Africa at iba pang fuel-importing economies habang lumalala ang kompetisyon sa suplay. (report by Bombo Jai)
















