-- Advertisements --
Pinuna ni US Donald Trump ang ilang Western allies matapos tanggihan ang kanyang panawagan na magpadala ng warships para bantayan ang oil tankers sa Strait of Hormuz, habang nagpapatuloy ang airstrikes ng Iran at Israel sa Gulf.
Nanatiling halos sarado ang kritikal na daungan na dumadaan ang 20% ng langis at LNG ng mundo, na nagtataas ng presyo ng enerhiya at nagdudulot ng pangamba sa implasyon. Ilang kasosyo ng US, kabilang ang Germany, Spain, at Italy, ay walang agarang plano na tumulong.
Sa White House, sinabi ni Trump na may ilan na masigasig sa tulong, ngunit may ilan ding hindi, na labis niyang ikinabahala. (report by Bombo Jai)
















