-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Pinupuntirya ng Malay-Boracay Tourism Office na maabot ang 2.3 milyong visitor arrivals ngayong taon.

Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay-Boracay Tourism Office na kumpiyansa ang kanilang tanggapan na maabot ang nasabing bilang dahil ngayong buwan pa lamang ng Enero ay umaabot ang kanilang daily tourist arrivals sa halos 7,000.

Nabatid na matagumpay nilang naabot ang target na 2.1 tourist arrivals noong 2025.

Nananatili aniyang pursigido ang kanilang tanggapan sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Malay na makahikayat ng mas maraming dayuhang turista sa pamamagitan ng pagsali sa mga world travel expo upang mabigyan sila ng pagkakataon na maipakilala ang isla sa mas maraming market.

Dagdag pa dito ang kaliwat-kanang pagkilala sa Boracay kung saan ang pinakahuli ay pagkilala sa isla bilang World’s Leading Luxury Island Destination.